Si Jose...
Maituturing na nagmula sa maykayang pamilya ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa kababaihan noong panahong iyon.
Ang pamilya Rizal ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang koleksiyon ng aklat. Bagaman at maraming kapatid na babae si Jose o Pepe na maaaring mag-alaga sa kanya, kumuha pa ang kanyang ama ng yaya na siyang nag-alaga sa kanya.
Nag-aral siya ng iba't ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa Pilipinas. Isinulat niya ang isa pang nobela, ang El Filibusterismo at nagsalin ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas.
Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano'y pag-iingat ng mga subersibong papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng rebelyon at sedisyon.
Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre - kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.


No comments:
Post a Comment